HINDI bababa sa tatlong milyong halaga ng business kits ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DoLE) regional office, sa pamamagitan ng Albay Provincial Field Office, sa 180 benepisyaryo sa dalawang barangay sa bayan ng Polangui, nitong Martes.

Sa isang panayam, sinabi ni OIC regional director Rovelinda A. Dela Rosa na isa ito sa mga tulong ng DoLE para sa tunguhin ng pamahalaan na ‘inclusive growth’, sa pamamagitan ng malawakang paglikha ng trabaho sa buong bansa.

“The tools provided to the beneficiaries are expected to bring livelihood enhancement. Farm productivity will be improved and will eventually translate into higher family income and enabling them to become more productive citizens of their community,” ani Dela Rosa.

Natanggap ng Napo Barangay Council ang P1.9 milyong halaga ng kitchen materials at iba pang gamit para sa 102 maliliit na negosyante na binubuo ng 27 nagtitinda ng pagkain, 25 magsasaka, 21 nag-aalaga ng baboy, pitong mananahi, anim na karpintero, limang beautician, tatlong mason at isang nag-aangkat ng bigas, nagbebenta ng gulay at bigas, upholsterer, barber, manikurista, pintor at automotive at electrician.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kabilang banda, nasa P1.1 milyong halaga naman ng business kits ang ibinigay sa Mendez Barangay Council, na mayroong 60 maliliit na negosyante.

Para sa isa sa mga benepisyaryo na si Vivian Gonzales ng Barangay Napo, natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng mga kagamitan para sa kanyang food vending na negosyo.

“We are thankful for these kitchen wares to DOLE, because out the 102 beneficiaries, I’m lucky to be among them who received these materials,” pahayag ni Gonzales, sa ginanap na pagbibigay ng tulong-pangkabuhayan sa kanilang lugar.

Ang pamamahagi ng mga business kits ay bahagi ng Kabuhayan Program na nakaugnay naman sa Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng DOLE na nagbibigay ng tulong sa mahihirap, at napag-iiwanang mga manggagawa. Kabilang sa programa ang ‘capacity building’, katuwang ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Trade and Industry (DTI).

PNA