Napigilan ang isang binata na magpakamatay nang abutan ng bunsong kapatid sa kanilang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Patuloy na nagpapagaling sa Valenzuela City Medical Center ang biktima, 20, ng Barangay Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Base sa report, pumasok sa kuwarto ang kapatid ng biktima, 12, at nadatnan ang kapatid na nakabigti.

Kumaripas ang kapatid ng biktima at nagpasaklolo sa kanilang nanay na nagpasaklolo naman sa kanilang mga kapitbahay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagtulung-tulong ang mga residente na maibaba ang biktima at isinugod sa nasabing ospital.

Ligtas na ang biktima, ngunit tikom sa kanyang dahilan ng tangkang pagpapakamatay.

-Orly L. Barcala