IKINUWENTO ni Ketchup Eusebio kay Boy Abunda nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda na Michael ang tunay niyang pangalan. Pero bakit nga ba “Ketchup” ang ginamit niyang screen name?
“May commercial po ako noong eight years old ako na sweet-blend ketchup. Hindi alam ng mga taga sa amin [na ang pangalan ko ay] Michael.”
Simula noon daw ay tinawag na siyang Ketchup boy sa lugar nila sa Bangkal.
“Pati mga nagrerenta [ng video] ‘pag tinanong kung ‘saan n’yo ‘to nirenta’, [sasabihin nila] ‘dun ‘yan sa ketchup kid sa commercial’,” kuwento ni Ketchup.
Lagi raw bantay noon si Ketchup sa video rental store nila kaya ito rin daw ang dahilan kung bakit marami siyang napapanood na pelikula, dahil kailangan niyang ikuwento sa mga nagrerenta kung tungkol saan ang pelikula.
Nagkuwento rin si Ketchup tungkol sa kanyang love life, at sinabing nine years na sila ng kanyang girlfriend na si Anne, at napag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
“Opo, maraming beses. Pero, of course, practicality pumapasok muna, na gusto muna namin ma-settle ‘yung bahay.”
Nabasted na rin si Ketchup, pero hindi ng isang artista.
“Hindi pa po ako nakakapanligaw ng artista, eh. Dahil during sa pag-aartista ko laging meron po akong girlfriend na, eh. Mula nag-start ako ng pagpasok may girlfriend ako.”Kung magiging bida man si Ketchup sa pelikula, sinabi rin niya ang kanyang dream role.
“Mang Dolphy po sana or Rico J. Puno” sa isang biographical film.
Kasama rin si Ketchup sa Cinemalaya entry na Mamang, na idinirehe ni Denise O’Hara. Si Ketchup ang gaganap na anak ni Mamang, isang babaeng may dementia, na ginagampanan naman ni Celeste Legaspi.
-Ador V. Saluta