Dead on the spot ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang tambangan ng nakamotorsiklo sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.

Tinadtad ng bala sa katawan si Jail Chief Insp. George Delfin, 49, na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, sa Bicutan, Taguig City, habang nakatakas ang ‘di pa nakikilalang suspek.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), naganap ang pananambang sa Sagrada Street, kanto ng Orobi St., sa Sta Ana, banda 10:17 ng umaga.

Sakay ang biktima sa kanyang pulang Mistubishi Adventure (PPQ- 551) at pauwi na upang sunduin ang kanyang asawa at ina upang ipanood ng sine nang agapayan ng suspek at pinaulanan ng bala.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Matapos tamaan ng bala, nabangga ng biktima ang kasabay nitong kotse, ngunit masuwerteng hindi nasaktan ang driver nito.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay humarurot palayo ang suspek habang agad binawian ng buhay ang biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito, nagsasagawa ng dragnet operation laban sa suspek.

-Mary Ann Santiago