NAPAULAT na nakipag-meeting si Alden Richards sa mga big boss ng Kapuso network at hiniling daw na bigyan siya ng role as a superhero. Request easily granted, at nagsimula na nga nitong Lunes ang pinagbibidahang action serye ng aktor, ang Victor Magtanggol.

Alden copy

Hindi pa man ipinalalabas ang serye ay marami na kaming nabasang both negative at positibong feedbacks sa social media tungkol dito. Iisa ang kanilang observation, hindi cut out ang pangangatawan ni Alden para maging action star. Medyo malambot din daw kumilos ang aktor, at may mga nagsabing mas bagay ang role kay Dingdong Dantes.

Buwelta naman ng mga supporters ni Alden, ang mahusay na aktor ay kayang gumanap sa kahit na anong role, dahil wala namang bentahe ang tikas ng katawan sa mahusay na acting. May mga nakiusap din na huwag kaagad husgahan si Alden bilang action star, dahil bago pa lang siya sa nasabing larangan, na mas nakilala sa mahusay niyang drama acting.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Kasisimula pa lamang ng Victor Magtanggol at marami rin naman ang impressed sa pagganap ni Alden. Hinangaan din nila ang siksik na katawan ng aktor, na resulta ng rigid training.

Mahaba pa ang tatakbuhin ng serye. Maitawid kaya ni Alden nang maayos ang Victor Magtanggol to prove his detractors wrong. Baka sa serye na isilang ang bagong action star, sa katauhan ni Alden.

-REMY UMEREZ