MULING nakapasok ang awitin ni Demi Lovato tungkol sa relapsing sa Billboard chart, isang linggo matapos siyang maospital dahil sa umano’y overdose.

Demi

Ang Sober ay ini-release nitong nakaraang buwan, at umarangkada sa No. 56 ngayong linggo sa Billboard Hot 100 chart, matapos na malaglag sa chart nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Nielsen Music kumita ang Sober ng 7.2 million streams at nakapagbenta ng 18,000 tracks sa tracking week ending noong Hulyo 26. Isinugod sa ospital si Demi noong Hulyo 24.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Tinangkilik ang Sober nang ilabas ang kanta kasabay ng paggunita ni Demi, 25, sa ikaanim na taon niyang pagiging malaya mula sa drugs, noong Marso.

Liriko sa kanta: “Momma, I’m so sorry I’m not sober anymore/And daddy please forgive me for the drinks spilled on the floor.”

Pasok naman ang Solo ni Demi, na collaboration kasama ang British electronic group na Clean Bandit, sa No. 61 spot sa Hot 100 ngayong linggo.

-Associated Press