NAGHIWALAY na ang teenage sweethearts na sina Millie Bobby Brown at Jacob Sartorius makaraan ang pitong buwan nilang relasyon. Kinumpirma ng Stranger Things actress, 14, at ng 15 taong gulang na singer ang balita sa pamamagitan ng joint comments sa kanilang Instagram Stories. At mukhang maganda naman naging kanilang paghihiwalay.

Jacob at Millie

“The decision with Jacob and I was completely mutual. We are both happy and remaining friends,” sabi ni Millie. Ganoon din ang pahayag ni Jacob: “The decision w/Mills was completely mutual & we are both happy and remaining friends.” Parehas ding may heart emojis ang kanilang mga post — pero hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Sumikat si Millie sa kanyang pagganap bilang telekinetic sa hit Netflix show na Stranger Things, pero hindi ganoong pamilyar ang fans kay Jacob. Naging tanyag ang singer at internet personality sa pagpo-post sa musical.ly, isang social media app kung saan nagli-lip sync ang users. Noong 2016, pumasok ang kanyang debut single na Sweatshirt sa Hot 100 charts sa U.S. at Canada.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Nagsimula naman ang usap-usapan na may relasyon ang dalawa noong Oktubre 2017, nang makitang magkasama sina Millie at Jacob sa Instagram Story ng una, pero isinapubliko lamang nila ang kanilang relasyon noong New Year’s Eve, ayon sa ulat Yahoo Celebrity.