“SOBRANG excited po ako, Tita, na makatrabaho uli si Coco (Martin)! And of course excited ako to work with people from the other network, lalo na sina Bossing Vic (Sotto) and Maine (Mendoza).”Ito ang sinabi sa amin ni Arjo Atayde nang hingan namin siya ng komento sa pagkakasama niya sa Jack Em Popoy: Da Puliscredibles, na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), handog ng M-Zet, APT, at CCM Productions, sa direksiyon ni Michael Tuviera.

ARJO

Nakita namin ang cast pictorial ng pelikula sa storycon nitong Sabado, at kasama rin sa cast sina Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Baeby Baste, Jose Manalo, Wally Bayola, Mark Lapid, PJ Endrinal, Ryza Cenon, at Tirso Cruz III.

Ayaw magbigay ng detalye ni Arjo kung ano ang karakter niya sa pelikula, basta sinabing abangan lang ito sa takilya. Ganito rin ang sinabi niya nang tanungin siya kung ano ang papel niya sa Buy Bust movie ni Anne Curtis, na palabas na bukas, Agosto 1, nationwide.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Abangan na lang po, Tita. Sa August 9 na po ang start ng shooting namin,” sabi ni Arjo.

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Arjo dahil hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin siya sa magagandang reviews na nababasa niya tungkol sa karakter na ginampanan niya sa Buy Bust bilang si Biggie Chen. Pinuri ang acting ni Arjo ng mga nakapanood sa Asian New York Film Festival, at sa ginanap na celebrity screening nitong Hulyo 23.

Sabi ng mga nakapanood, kung hindi man nalampasan ay napantayan naman ni Arjo ang karakter niyang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang Biggie Chen sa Buy Bust.

Ang tanong, mas matindi kaya ang ipapakita ni Arjo sa Jack Em Poy: Da Puliscredibles?

-REGGEE BONOAN