Labing-isang katao, kabilang ang isang sundalo at limang Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) members, ang namatay sa pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Lamitan City, Basilan nitong Lunes.

Ayon kay Lt. Col. Gerry M. Besana, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), base sa inisyal na ulat na kanilang natanggap ay may apat pang sibilyan na nasawi sa pambobomba na naganap dakong 5:50 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, umaksiyon ang mga tauhan ng 9th Scout Ranger Company, sa pamumuno ni Lieutenant Rodriguez, sa report hinggil sa presensiya ng isang puting van, na hinihinalang may sakay na Improvised Explosive Device, malapit sa Magwakit Detachment saBarangay Colonia, Lamitan City, Basilan Province.

Sinabi ni Besana na habang nagsasagawa ng ocular inspection ang tropa, biglang sumabog ang van na naging sanhi ng pagkamatay ng isang sundalo, limang CAFGUs at apat na sibilyan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"We are trying to get information if the driver is already included on the list. If not, the death toll could reach 11," sabi ni Besana sa Balita.

Samantala, kinondena ng Malacañang ang pag-atake at ipinangakong mabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

"We condemn in the strongest possible terms the latest terrorist attack in Basilan perpetrated in violation of our laws. We note that even in times of war, the attack constitutes a war crime because it constitutes an indiscriminate attack," pahayag ni Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Authorities are now investigating the incident even as we vow to bring the perpetrators of this brazen attack to justice,” dagdag niya.

-FRANCIS T. WAKEFIELD, FER TABOY, at GENALYN KABILING