MALINAW namang “out” muna sa showbiz si John Lloyd Cruz pagkatapos niyang piliin ang mamahinga pansamantala from showbiz commitments para tutukan ang bagong buhay niya with girlfriend Ellen Adarna. With Lloydie’s absence, naging visible naman sa mga projects left and right ang kanyang mga co-Kapamilya actors, like Piolo Pascual and Jericho Rosales.

John Lloyd copy

Subalit hindi makatarungan para sa dalawang mahuhusay na aktor, lalo na kay Echo, na sabihang tagasalo lang ng mga project na para sana kay Lloydie.

Hindi masyadong pinansin ni Echo ang mga sinasabi na dumarating ang mga biyaya ngayon sa kanyang career dahil hindi aktibo sa ngayon si John Lloyd. Sa halip, nagpahayag ang aktor ng pag-asam na isang araw at magbabalik uli sa showbiz si Lloydie.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“I’m sad for certain things, but I can’t speak for John Lloyd... I can only speak for myself,” sabi ni Jericho.

“John Lloyd is a great person, a great talent and I know na darating siya, babalik siya, and alam ko na maraming tao ang naghihintay sa kanya. Isa ako sa mga tao na nag-aabang na magba-bounce back (ang career ni Lloydie) o kung anuman.”

Maraming nagtatanong kay Echo tungkol kay John Lloyd.

“I don’t even know what’s happening with John Lloyd, so I cannot really answer. It would be unfair. What I know, it’s clear that our friend John Lloyd is taking a break, and when he comes back, I’m sure he’s gonna pick the best project,” sabi ni Echo. “It’s going to be easy for him to bounce back.”

Totoo namang bumubuhos ngayon ang magagandang proyekto para kay Jericho, gaya ng drama serye na Halik, na malapit nang mapanood sa Kapamilya network kapalit ng magtatapos nang Since I Found You. Bida Si Echo sa Halik, kasama sina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos.

Kamakailan ay napili rin si Echo bilang isa sa 2018 Men Who Matters ng People Asia magazine.

“Pinili nila ako along with respectable gentlemen. Madaming pangalan, nandun ‘yun sa Instagram ko,” sabi ni Echo. “Mainly why they picked me is because of my choices sa career ko, I don’t know. ‘Di ko nga alam kung bakit nila ako napili.”

-ADOR V. SALUTA