HINDI pa rin namin mahanap ang Instagram account ni Jaclyn Jose. Deactivated pa rin ang tunay na account ng aktres, habang tinitipa namin ang balitang ito.

Jaclyn copy

Bago nag-deactivate, nag-post si Jaclyn tungkol sa binili niyang bihon na fake raw. Plastic daw ang nabili niyang bihon dahil nasunog ito habang niluluto niya, at nag-amoy plastic talaga. Kalaunan, sinisi niya ang China sa nasunog na bihon, na pinanggalingan daw nito.

Bukod sa isyu sa bihon, may pasaring pa si Jaclyn laban sa bagong House Speaker na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, hanggang sa tuluyan na siyang kuyugin ng bashers.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mabuti lang na may nakapagpayo kay Jaclyn na i-deactivate muna ang kanyang IG account, dahil siguradong tuluy-tuloy siyang reresbakan ng mga bashers at trolls.

-Nitz Miralles