Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na tugunan ang tumataas na presyo ng bilihin sa pamamagitan ng pagsasabatas sa kanyang Senate Bill No. 1798 o “Bawas Presyo Bill.”

“Simplehan lang po natin. Taas presyo ang problema, bawas presyo ang solusyon. Kailangang ipasa na ang Bawas Presyo Bill sa lalong madaling panahon,” ani Aquino.

Layunin nito na suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law kapag lumampas ang taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter