PAGKATAPOS makahiwalay ni Sam Milby ang model/blogger na si Mari Jasmine ay kontrobersiyal ngayon ang huli sa pag-amin na kapwa babae ang karelasyon nito ngayon, ang direktor na si Samantha Lee.

Sam Milby copy

Sa presscon ng seryeng Halik, nabanggit ni Sam na nakarating na sa kanya ang relasyon ng kanyang ex-girlfriend sa kapwa babae, pero nilinaw niyang matagal na siyang naka-move-on sa hiwalayan nila.

Tinanong din si Sam kung naging aware ba siya sa sexual preference ng kanyang dyowa?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I didn’t expect, there was no sign. So, I was surprised noong nalaman ko,” pag-amin ng aktor. “But I don’t really want to say too much. I knew a while before, pero noong kami, no signs, wala talaga. I didn’t know that she’s open to that kind of relationship so I had no idea.”

Wala na rin daw sila ng ex-girlfriend nung nakarelasyon nito ang lady director.

“It happened na wala na kami ni Mari,” paglilinaw niya. “Wala ring overlapping. Hindi siya ‘yung third party kaya kami nag-break, it’s not like that. We broke up and she started dating.”Sa obserbasyon ni Sam, first time rin ni Mari na makipagrelasyon sa kapwa babae.

“From my understanding, it’s her first time to experience a relationship with a woman,” giit niya.

Samantala, kasama ni Sam na bida sa teleseryeng Halik, na mula sa RSB Unit, sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

Gagampanan ni Sam ang role ni Abel sa series, isang mayamang lalaki na mai-involve sa character ni Yam.

Bagamat may pagkakontrabida ang kanyang role, sinabi ni Sam na isang challenge sa kanya ang gumanap ng bad characters.

Mapapanood na ang Halik sa primetime Kapamilya, after ng Bagani, simula sa August 13, kapalit ng Since I Found You.

-ADOR V. SALUTA