Isang bagong government task force ang nilikha para ilunsad ang malawakang public information drive sa panukalang paglipat sa federal government, sinabi ng Malacañang kahapon.
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na nilalayon ng bagong grupo na itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa federalismo simula sa barangay level.
“I can confirm that there’s an inter-governmental task force created and we had met already. This was two days ago,” ani Roque sa press conference sa Zamboanga Sibugay.
“We have initially agreed on the strategy. We will bring down or dissemination to the level of barangay. We will focus on training the trainers and we will utilize mass media as well for this dissemination,” dugtong niya.
Bukod kay Roque, ang bagong task force ng gobyerno ay kinabibilangan din nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
-Genalyn D. Kabilin