Sa kasalukuyan ay tatlong Cabinet secretary at 16 na undersecretary ang sinibak sa paggamit ng kaban ng bayan sa labis na pagbiyahe sa labas ng bansa, ayon kay Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, walang naitulong sa bansa ang pagbiyahe ng mga dating opisyal, na ang ginawa ay namasyal lamang.

“To date, I have fired something like 16—three department secretaries, Cabinet members, and 16 undersecretaries. Why? So much travel,” pahayag ni Duterte sa idinaos na Asia-Pacific Healthy Islands Conference 2018 sa Davao City, nitong Miyerkules ng gabi.

“Most of them were my friends who were with me when I was campaigning, and it pains me deeply to see them go,” dagdag niya.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Napansin ni Duterte na maraming opisyal na dumalo sa mga climate change conference sa ibang bansa kahit na wala namang kinalaman sa isyu ang mga ito.

“There’s a climate change (conference) in Africa and they are there. There’s a climate change in New Zealand and they are there en masse. Then there’s a climate change in Tokyo, they are there,” aniya.

“When I saw the list of 11 travels, climate change conferences all over the world and it has nothing—nothing good has come to my country except the expenses of going out and seeing the cities,” ayon pa sa Pangulo.Upang maiwasan ang pagkaubos ng pondo, ipinag-utos ni Duterte na tanging mga opisyal mula sa Climate Change Commission ang dadalo sa mga nakatakdang climate conference sa ibang bansa.Sinabi rin ng Pangulo na kung may opisyal na nagpaplanong umalis sa bansa ay kinakailangang dumaan sa kanyang opisina upang magpaalam.

-Genalyn D. Kabiling