“AYAW ko kay Alden.” Ito ang diretsong sagot ng new GMA Artist Center star na si Reese Tuazon nang tanungin kung totoo ba iyong crush niya si Alden Richards, aka Victor Magtanggol?

Reese copy

“Very welcoming po si Alden pero hindi ako intimidated sa kanya.”

Hindi sa Victor Magtanggol first time na nagkasama sa trabaho sina Alden at Reese. Una silang nagtambal sa isang episode ng story ng isang Marawi soldier sa Magpakailanman. Dahil doon, na-bash na agad si Reese.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa bagong serye ni Alden, siya si Honeylyn, best friend ni Lindsay de Vera, si Anna, na sister ni Victor. May crush si Honeylyn kay Victor kaya lagi siyang nasa bahay nila. Bakit ayaw niya kay Alden, dahil baka ma-bash na naman siya?

“I don’t know. I’m more into Filipino looking-guys, si Alden kasi, very tisoy. Gusto ko like Richard Gomez or John Estrada.”

Si Reese ay si Therlyn Anne Mendoza Alcuitas, 28 years old. May kaya ang family ni Reese na hindi na kailangang magtrabaho, pero noon pa ay sinabi na niyang gusto niya talagang mag-artista. Madalas din siyang binibigyan ng hosting job ng GMA.

Wala rin dapat ika-bash si Reese mula sa mga fans dahil may boyfriend na siya, si Victor Guingona, businessman na mula sa political family ng mga Guingona. High school pa lamang ay sila na raw, kaya hindi raw malayong mauwi na sa wedding ang kanilang relasyon.

Excited na si Reese na mapanood ang Victor Magtanggol simula sa Monday, July 30, after ng 24 Oras dahil nakikita raw niya sa taping nila kung paano ito pinaghandaan ng Team Victor Magtanggol, sa pangunguna ng direktor nilang si Dominic Zapata, para ihandog sa mga televiewers.

-Nora V. Calderon