Laro ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.h. -- Ginebra vs San Miguel

PARA kay Ginebra coach Tim Cone, ang katunggaling San Miguel ang itinuturing na pinakamagaling na koponan sa kasalukuyan.

At bilang challenger, kailangan nilang talunin ang Beermen para maabot ang pedestal at ngayon ang tamang pagkakataon sa Game 1 ng kanilang best-of-seven title series.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

Kontra sa Beermen na may pinakamalakas na starting line-up, paborito ang koponan sa bawat conference na kanilang sabakan.

At para sa most decorated coach sa PBA history, sasabak sila sa pinakamatinding serye.

“You wanna have a great challenge? There’s nothing more challenging in our league than playing this San Miguel which might be the greatest team of all time,” ani Cone, na naghahangad ng kanyang ika-21 kampeonato sa liga.

“I mean, they could very well be the greatest team of all time.”

Ngunit, ngayong “ healthy” ang lineup ng Kings, at higit na gutom sa title, naniniwala si Cone na mabibigyan nila ng magandang hamon ang Beermen.

“So the challenge is out there for us. I think our guys are going to embrace it and we’re expecting a tough series,” wika nito.

-Marivic Awitan