KLARO na hindi magkagalit o magkaaway sina Vice Ganda at Kris Aquino, dahil habang tinitipa namin ang balitang ito ay may scheduled block screening ang Gandang Gabi Vice at It’s Showtime host para sa I Love You, Hater bilang suporta sa “asawa” niya, kagabi sa Trinoma Cinema, at balitang confirmed na darating si Kris.

Kris Aquino - ILYH copy

Bukas na namin ilalathala kung ano ang kaganapan sa pa-block screening ni Vice para kay Kris.

Samantala, nag-ugat ang haka-haka na may isyu ang dalawa nang may magtanong na Instagram follower ni Kris kung friends sila ni Vice, na sinagot naman ng una ng “I hope so.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kaya pala sinagot ni Kris ng “I hope so” ay dahil inakala niyang nagtampo sa kanya ang “asawa”—tawagan nila—niya dahil sa pabor na hindi nito ibinigay.

Kuwento ni Kris sa IG follower niya kamakailan: “Nagkulang din naman ako – nag-request sila ng special appearance, actually a ‘surprise’ role sa movie niya noong MMFF 2017 (Gandarrapido: The Revenger Squad), nag-NO ako kasi ayaw maipit sa banggaan nila ni Coco (Martin). I chose to play safe because I was just rebuilding. And I can in all humility accept na disappoint ko rin siya. So, please for my sons can we just embrace peace?”

Kaya pala nagtataka rin si Vice nang makausap namin nang solo pagkatapos ng story con ng pelikulang Fantastica sa isinagot ni Kris na “I hope so”, dahil ang alam niya ay okay sila. Binati pa nga raw niya si Bimby sa nakaraang kaarawan nito noong Abril.

Inakala pa ng lahat n a b a k a nainis din ang Queen of Online World at Social Media kay Vice dahil ini-spoof siya nito bagay na ipinaliwanag naman ng una.

“As much as the ‘spoofing’ has hurt me – I cannot find it in my heart to be angry at my former ‘asawa’ I have one reason matagal nang nag-drift apart pero birthday ni Bimb this year, gumawa siya ng paraan para lang personal na tumawag – something Bimb’s own father did not do. Mahal ni Bimb si Vice.

“Bali-baliktarin natin ang mundo pag minahal na ng anak ko at hindi nakalimot sa anak ko – dedma na kung talikuran ako.”

“Si (Vice Ganda) mahalin man niya ako o hindi, kaibiganin man niya ako o hindi – dahil hindi niya kinalimutan ang bunso ko, okay na ko.”

-Reggee Bonoan