Isang drug suspect, na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang, ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Marikina chief of police, Senior Supt. Roger Quesada kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Bernabe Balba, naaresto si Anthony Verso, alyas Shayne, 35, sa kanyang tahanan sa 50 Blk 22 Palay Street, sa Bgy. Tumana, dakong 8:20 ng gabi.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na pinangungunahan ni Police Insp. Greco Gonzales, laban sa suspek matapos na makatanggap ng tip na kahit sumuko na sa Oplan Tokhang ay patuloy pa rin ang suspek sa kanyang ilegal na aktibidad.

Agad binitbit sa presinto ang suspek matapos na makabili ng umano’y shabu ang isang undercover cop.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakumpiska kay Verso ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, at isang coin purse.

Naghihimas ng rehas ang suspek sa Marikina City Police at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 11 at Section 5 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Mary Ann Santiago