NAGSU-SHOOTING na sina Rhian Ramos at JM de Guzman para sa pelikulang kanilang pinagtatambalan. Kung Paano Siya Nawala ang title ng pelikula, na produced ng TBA Studios at Arkeo Films.

rhian and jm

Parang tunog suspense thriller ang pelikula, sa direksiyon ni Joel Ruiz.

Nabanggit na ni Rhian na hindi lang sila artista ni JM sa nabanggit na pelikula, dahil executive co-producers din silang dalawa, bagay na kanilang ikinatuwa. Dagdag na trabaho at responsibilidad, pero magandang challenge ito para sa kanila.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May mga fans sina JM at Barbie Imperial na hindi nagustuhan ang pakikipagtambal ng aktor kay Rhian. Pero mas marami ang natuwa, at excited na silang mapanood ang unang pelikulang pinagtambalan ng dalawa.

Nitz Miralles