Hindi na maglalabas ng hold departure order (HDO) ang Department of Justice (DoJ).

Ito ay kasunod ng ruling ng Supreme Court (SC) na labag sa batas ang pagbabawal sa isang indibiduwal na makabiyahe nang walang court order, maliban kung kaligtasan ng buong bansa ang makukumpromiso.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala nang bisa ang mga naunang HDO, watch list order at immigration lookout bulletin orders ng DoJ.

Aniya, kailangang maglabas ng Executive Order (EO) ng Malacañang para ganap na masolusyunan ang isyu.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Beth Camia