NAKAKATUWA si Pasig City Councilor Vico Sotto dahil nag-post siya ng video ng mommy niyang si Coney Reyes habang sumasayaw sa saliw ng number one dance tune ngayon, ang Bhoom Bhoom ng Momoland.

Coney Reyes

Post ni Councilor Vico: “Why is Mama doing d Bhoom Bhoom? MOMOLAND goes MAMALAND. Wow wow! #Victor Magtanggol.”

Kuha ang pagsasayaw ni Ms. Coney habang naghihintay ang buong cast sa pictorial ng kanilang action-drama-fantasy na Victor Magtanggol. Nagkatuwaan ang cast na sumayaw ng Bhoom Bhoom, sa tune ng Superhero Mo, ang official soundtrack ng telefantasya, na inawit ni Alden Richards kasama ang Ex-Battalion.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pinangunahan ni Alden ang pagsasayaw, then si Coney nga, at ang child star na si Yuan Francisco, sina Cheena Ortaleza, Eric Quizon, Andrea Torres, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Lindsay de Vera, Reese Tuazon, at Pancho Magno.

Umani ng libu-libong likes at shares ang nasabing video.

Sa July 30 na mapapanood ang Victor Magtanggol, sa GMA Telebabad.

-Nora V. Calderon