NASULAT namin dito sa Balita nitong linggo lang na sangkaterba ang nagpa-block screening ng I Love You, Hater bilang suporta kay Kris Aquino. Bukod sa mga kaibigan ni Kris, mayroon ding mga hindi niya kilalang tao na maramihan ang biniling tickets at inilibre ang mga trabahador at pamilya.

KIM,Angel

Nitong Huwebes nang gabi ay hindi napigil ng bagyong ‘Inday’ sina Angel Locsin at Kim Chiu para magdaos ng block screening sa SM Aura.

Ayon sa aming source, hiningi muna ni Angel ang schedule ni Kris kung okay sa kanya ang Huwebes dahil may inaayos silang BS (block screening) para sa I Love You, Hater, at tinanong pa nila kung sino ang gusto pang imbitahan ng aktres para dumalo.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Halos naluha raw sa tuwa si Kris at talagang abut-abot ang pasalamat niya kina Angel at Kim, at kasama pa si Julia Barretto, na isa sa mga bida ng movie, with Joshua Garcia.

Nag-Instagram live si Kris nitong Huwebes ng gabi sa SM Aura at pagkalipas ng 20 minutes ay umabot na sa mahigit 6,000 ang nanonood at binabati siya.

Going back to Angel at Kim, hindi man sila nagkikita at nagkakausap masyado ng Ate Kris nila ay hindi pa rin sila nakalimot na damayan ang aktres.

Kaya sa post ni Kris ng litrato na magkakasama sila nina Angel, Kim, Julia at Bimby ay sobrang touching ang caption.

“This picture & Bimb’s expression captured how we felt. I could not ask for more. HINDI AKO NAGKAMALI SA MGA MINAHAL KO. Kahapon sa gitna ng nerbyos dahil sa pagdadaanan ni kuya Josh, @therealangellocsin & @chinitaprincess back to back ang text & viber sa akin na may pinlano daw sila for me.

“Sa effort nila for me, @igisellle & @juliabarretto - we feel so #loved opo sa mundo namin na madalas kaming husgahan kahit hindi kami personal na kilala, marami pong totoong nabubuong pagiging MAGKAIBIGAN kapag tinatanong kami nila kuya & bimb kung ano ang na mi-miss namin sa hindi na pagiging KAPAMILYA, ito po yung totoo ‘yung mga tinuring akong ATE nila sila po ang sobrang nakaka-MISS, ‘yung writers & producers ko lalo na po sa TALK unit, ‘yung mga cameramen ko sa Kris TV, si @kbrosas & si @itspokwang27, ang Ninong Deo, Ninong Boy, and Ninang Cory ni Bimb.

“Hindi nabubura ‘yung 20 years of beautiful memories na naibigay sa akin nu’ng naging bahagi po ako ng ABS-CBN. So, sa mga followers ko dahil sa naramdaman kagabi dahil sa nagawa ni tito Noy para kay josh, OKAY na po ako na minsan ang pagiging kapamilya ang tumupad ng lahat ng pinangarap ko.

“Okay na po ako sa nakaraan dahil AT PEACE na po ang ngayon. Sabi nga ni Sasha: We cannot force someone to love us, but we can choose to force ourselves to keep on loving. AND I CHOOSE LOVE. #satruelang.”

Ganu’n naman talaga, ‘di ba, Ateng Jet? Malalaman mo ang tunay mong mga kaibigan sa oras ng kagipitan.

Samantala, nasulat din namin dito sa Balita kamakailan na hindi nagpatinag ang ILYH sa mga Hollywood movies na kasabayan nitong nagbukas, ang Skyscraper at Ant Man and The Wasp. Nitong Miyerkules ay nagbukas ang Billionaire Boys Club at Mama Mia pero hindi pa rin natinag ang pelikula nina Kris, Joshua, at Julia, na nasa ikalawang linggo na.

At nitong Huwebes, bumigay na ang Billionaire Boys Club sa Robinson’s Magnolia, dahil tsinugi na ito samantalang nanatili pa rin ang ILYH na may limang screenings.

Sa Gateway Cinemas, kuwento mismo sa amin ng takilyera, dati ay nasa maliit na sinehan na lang ang I Love You, Hater, pero biglang inilipat sa Cinema 2.

“Bigla pong lumakas, eh. ‘Yung mga bagong bukas (Mama Mia at Billionaire Boys Club) mahina, siguro dahil sa bagyo.”

True enough, mahina nga ang Mama Mia, na palabas sa Cinema 3, dahil iilan lang kami sa loob ng sinehan. Hindi rin maganda ang narinig naming feedback sa pelikula, considering na masaya naman ito dahil musical.

Anyway, hindi pa rin naglalabas ng figures ang Star Cinema kung nakakamagkano na ang I Love You, Hater, pero base sa aming source ay kumabig ito ng mahigit P4 milyon nitong Miyerkules, plus mahigit P3 nitong Huwebes.

-REGGEE BONOAN