MAY mga times noon na madalas may hugot lines si Megastar Sharon Cuneta sa panganay na anak na si KC Concepcion, lalo na kung may mga okasyon na hindi niya nakakasama ang anak.

Sharon & KC 071918

Kaya umani ng maraming likes ang posts ng mag-ina nang magkasama sila sa isang reunion. Si Sharon, nag-post pa ng picture nilang magkasama noong bata pa si KC. Si KC naman, nag-post ng picture nilang mag-ina na sweet na sweet sa said occasion.

Caption ni Sharon: “Each of our kids has their own individual, distinct scent, right? When you have missed the scent of your eldest child’s skin...hair... haaay sarap to see and feel and smell my daughter again!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinagot naman ito ng mas sweet na post ni KC: “Mama & I may have a 19 year gap, I may have come to her life too early, or even unexpectedly, and we may have all our differences, but: @reallysharoncuneta You will always be my first valentine, my first best friend, my 1st hero. All I want is to see you laugh and smile. At the end of the day, I will always want you to feel that having me was worth it. And above all I know I will always choose LOVE. #TheKCDiaries”

Ngayong kakandidatong mayor ng Pasay City ang brother ni Sharon na si Chet Cuneta, na ninong ni KC, mukhang mapapadalas ang pagsasama ng mag-ina to support Chet.

-Nora V. Calderon