DALAWANG linggo na lamang mapapanood ang epidemic serye na The Cure kaya gabi-gabi ay laging may mga pasabog na eksena.

Isa rito ang muling pagkikita sa story nina Charity (Jennylyn Mercado) at Katrina (LJ Reyes) matapos na sabihin ng huli, na patay na ang asawa nitong si Greg (Tom Rodriguez). Gayundin, sinabi rin ni Katrina kay Greg na patay na si Charity at ang anak nilang si Hope.

Mahal na mahal kasi ni Katrina si Greg at handa pa siyang ibigay sa lalaki ang sarili niya, pero kahit patay na raw ang mag-ina niya, si Charity pa rin ang mahal niya. Dumating pa nga sa point na nalaman na nina Greg at Charity na pareho silang buhay at nagkita pa sila sa kampo. Nanatiling matigas si Katrina sa pagmamahal niya kay Greg, kaya walang puknat ang awayan nila Charity.

“Hanggang sa eksena po lamang kami magkaaway ni LJ,” sabi ni Jennylyn. “Pero off-camera, very good friends kami.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Wala kaming topic ni Jen kapag break namin sa taping kundi ang mga anak namin dahil pareho kaming single parent,” kuwento ni LJ. “Nagugulat kami na pareho nang malalaki ang mga anak namin.”

Parehong produkto ng StarStruck talent search sina Jennylyn at LJ. Batch 1 si Jen at Mark Herras na kasama rin nila sa The Cure habang Batch 2 naman si LJ. Masaya rin silang katrabaho si Mark who plays Darius. Natatawa na lamang din ni Jennylyn kapag natutuwa ang netizens sa mga eksena nila ni Darius, na na-in love na rin sa kanya. Hindi pa rin kasi nalilimutan ng netizens na naging sila noong kapapanalo pa lamang nila sa StarStruck.

“Kaya sana ay samahan pa ninyo kami hanggang sa pagtatapos ng aming serye dahil marami pang pasabog sa story. Like, ma-discover na kaya ni Dr. Lazaro (Jaclyn Jose) ang tamang cure sa mga infected, magtagumpay kaya ang mga special guests na sina Kylie Padilla at Ruru Madrid na mailigtas ang pamilya nina Greg at Charity? Paano si Darius na mahal na rin si Charity pero nagpaubaya kay Greg?

Napapanood ang The Cure gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-Nora V. Calderon