Si reigning Ms. Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez ang napili ng Regal Films para maging leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Unli Life.

Wynwin and Vhong

Sa panayam kay Winwyn, aniya, “Sobrang surreal pakinggan na leading lady na ako ni Vhong. Sa sobrang surreal hindi pa rin ako makapaniwala so siguro when I see myself onscreen doon pa lang mag-si-sink in lahat. I have no details about it yet pero soon lalabas na siya,” masaya niyang pahayag.

Bukod sa pakikipagtrabaho sa It’s Showtime host, sinabi ni Wyn na magiging memorable ang pelikulang ito dahil nakatrabaho niya rito ang tatay niyang si Joey Marquez, sa unang pagkakataon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m very excited. We’re going to do promos already and we’re talking about the schedules for it na. And kasama ko yung dad ko dun, si Vhong Navarro and it’s just really going to be super exciting kasi it’s horror comedy. The funny thing is, me and my dad don’t have a scene together but my dad kasi, siya ‘yong gagawa ng story. So it’s very interesting. I hoped na sana magkaroon kami ng scene pero wala eh. Pero there’s a reason behind it,” paliwanag ng beauty queen.

Ayon pa sa dalaga, masuwerte siyang maging ang pinakabagong leading lady ni Vhong Navarro, at inamin rin niyang madaling katrabaho ang aktor.

“Sobrang maalaga niya. Everyone on the set as in pantay pantay yung tingin niya, kahit mga extra, kahit production… he treats everyone the same. The food, lahat, pare-pareho. And for me, to see an artist as big as him act like that, I think napaka-humble noon and I salute him for doing that. Sobrang galing. Na-amaze ako actually,” sabi pa ni Winwyn.

-Ador V. Saluta