Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mararatipikahan sa Lunes ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kahapon ni Zubiri na minimal na lamang ang kanilang babaguhin at maaprubahan na ito, makaraan ang anim na marathon hearing ng Bicameral Conference Committee, na nagsimula noong Hulyo 9.

Aniya, pumayag na kasi ang magkabilang panig na huwag nang balikan ang mga probisyon na naaprubahan na para mapabiilis ang proseso.

Pinagtutugma ng Bicam, pinangungunahan nina Zubiri at House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang nilalaman ng House Bill 6475 at Senate Bill 1717 para mabuo ang Organic Law ng Bangsamoro region.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Limang artikulo na lamang ang kanilang pinagdedebatehan kahapon.

-Leonel M. Abasola at Bert De Guzman