TAIPEI – Matikas na nakihamok ang Team Philippines-Ateneo, ngunit banderang-kapos laban sa South Korea, 90-73, nitong Lunes sa 2018 William Jones Cup sa Xinzhuang Gymnasium dito.

Itinuturing ‘perennial rival’ ng Pinoy sa international meet, kumamada ang Koreans ng 10 sa 18 three-pointer.

Nakipagtagisan ang Pinoy sa outside shooting, ngunit lima lamang sa 27 na tira sa three-point area ang naibuslo ng Team Philippines.

Huling nakadikit ang Pinoy sa 71-79 mula sa fastbreak layup ni Thirdy Ravena may 6:00 minuto ang nalalabi sa final period. Ngunit, tuluyang nakalayo ang Korean mula sa back-to-back three-pointer nina Heo Ilyoung at Heo Ung.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumapos si Ravena na may 14 puntos, limang steals, apat na rebounds, at apat na assists, habang kumana si Ivorian reinforcement Angelo Kouame ng 10 puntos at 16 rebound.

Nagawang manalo ng Team Philippines laban sa Chinese-Taipei Team sa opening game. Sunod na makakaharap ng Pinoy ang Canada Martes ng gabi.

Nanguna sa Koreans si Ricardo Ratliffe sa naiskor na 15 puntos at pitong rebounds.

Iskor:

South Korea (90) - Ratliffe 15, Heo I 15, Heo U 12, Lee J 9, Heo H 6, Kang 6, Jeon 6, Kim J 6, Park 5, Choi 4, Lee S 4, Kim S 2.

RP-Ateneo (73) - Ravena 14, Nieto 12, Kouame 10, Wong 9, Verano 5, Mendoza 5, Go 5, Navarro 5, Maagdenberg 3, White 3, Mamuyac 2, Andrade 0.

Quarterscores: 26-22, 50-41, 70-60, 90-73