Wala nang buhay nang madiskubre ang isang Saudi national sa loob ng kanyang tinutuluyang hotel sa Makati City, nitong Linggo ng umaga.

Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong 8:30 ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na si Albasam Ahmed, 61, Saudi national, at pansamantalang nanunuluyan sa Citadel Inn sa Street, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa pagsisiyasat ng homicide investigator, walang nakitang senyales na may foul play sa pagkamatay ng dayuhan.

Lumilitaw na namatay ang dayuhan dahil sa kanyang iniindang tuberculosis (TB).

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

-Bella Gamotea