ILOILO CITY - Bilang tugon sa sunud-sunod na krimeng kinasasangkutan ng mga pulis, inilunsad kamakailan ng Philippine National Police (PNP) ang reformation program sa mga operatiba nito sa Western Visayas.

“The number of erring PNP personnel has been one of the major challenges in the struggle to transform the PNP organization. A minor offense, once romanticized will reflects badly to the whole image of the organization,” pahayag ni Police Regional Office (PRO)-6 director Chief Supt. John Bulalacao.

“PNP personnel involved in crimes and illegal activities needed a re-training program,” diin niya.

Layunin ng Focused Reformation and Reorientation and Moral Enhancement for Police Officers in Line with Internal Cleansing Efforts (FORM POLICE) na masolusyunan ang dumaraming bilang ng mga pulis na nagiging pabigat at nakasisira sa imahe ng organisasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakatuon ang isang buwang pagsasanay sa pagbabago ng ugali at pananaw na makatutulong sa mga pulis na maging responsible at disiplinado.

-Tara Yap