MATATAHIMIK na siguro ang mga fantard na bumibira sa bagong Kapuso na si Jasmine Curtis Smith ngayong inilabas na ng GMA Network ang cast na bubuo sa Victor Magtanggol, na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Jasmine Curtis Smith

Una na kasing binanatan ng bashers si Jasmine kasunod ng lumutang na magiging leading lady siya ni Alden sa Victor Magtanggol.

Wala sa listahan si Jasmine sa stellar cast ng fantaserye ng Pambansang Bae, dahil kabilang siya sa hanay ng mahuhusay na aktres sa sisimulang serye na Pamilya Roces, sa direksiyon ng nagbabalik-Kapuso rin na si Joel Lamangan.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Bukod kay Jasmine, kabilang din sa cast ng Pamilya Roces sina Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Roi Vinzon, Carla Abellana, Teresita Ssen Marquez, Christian Bautista (may special participation din siya sa Victor Magtanggol), Gabbi Garcia, Rocco Nacino, Shaira Diaz, Mika de la Cruz, at Gloria Diaz.

Sa TV interview kay Jasmine pagkatapos ng storycon, sinabi ng utol ni Anne Curtis na overwhelmed siya sa mainit na pag-welcome sa kanya ng Kapuso Network.

“Kasi hindi naman nila ako basta-basta pinapirma at ipapasok sa isang show na available na. They waited na may maganda silang project,” lahad ng award-winning actress.

-Lito T. Mañago