MAGKAKAROON na rin ng McDonald’s franchise si Alden Richards, at mukhang malapit na itong maging operational. May lumabas na litrato ng kapatid ni Alden na si Riza Faulkerson kasama ang ilang service crew ng bubuksang branch ng fast food chain.

Ilang buwan na ang nakalilipas nang nabanggit ang tungkol sa bubuksang negosyo ni Alden. Hindi lang namin maalala kung sa Sta. Rosa o sa ibang bayan sa Laguna bubuksan ang nasabing resto.

Samantala, walang update ng taping ni Alden sa ibang bansa ng Victor Magtanggol at ang maganda, walang nagli-leak na photos, dahil siguro walang Pinoy sa lugar kung saan nagte-taping ang GMA-7.

O kung may Pinoy man, napakiusapan na kung kukuha man sila ng pictures ay huwag iyong i-upload.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

This week na ang balik sa Pilipinas nina Alden, Janine Gutierrez, at Coney Reyes, kasama ang staff and crew ni Direk Dominic Zapata. Malapit na rin ang presscon at ang pilot ng Victor Magtanggol.

-Nitz Miralles