Isang tribal chieftain na dati umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang binaril at napatay ng mga rebelde sa harap ng kanyang pamilya sa Barangay Calatngan, San Miguel, Surigao del Sur, kahapon.

Sa report ng San Miguel Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Datu Bobong Elizalde, ng tribung Manbobo, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Sitio Liyanggabon, Bgy. Calatngan, sa San Miguel.

Ayon sa awtoridad, nasaksihan mismo ng pamilya ng biktima ang pamamaslang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napag-alaman na si Elizalde ay dating kaanib ng NPA at aktibong tagasuporta ng TRIPPS, ang paaralan na ipinaglalaban ng mga rebelde.

Isa sa sinisilip na mga motibo sa pagpatay ay ang pag-abandona nito sa TRIPPS upang sumuporta sa School of Living Stone na ipinatayo ng Department of Education (DepEd).

-Fer Taboy