CAMP MAJOR BADO DANGWA, La Trinidad, Benguet - Nalambat ang isa umanong miyembro ng New People’s Army (NPA) at apat na top most wanted person (TMWP) sa magkakahiwalay na operasyon, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera.

Ayon kay Chief Supt. Rolando Nana, PRO-Cordillera director, hawak na nila ang umano’y rebeldeng si Antonio Agustin Tabling, 36, ng Baclingayan, Tubo, Abra, na nadakip sa Narvacan, Ilocos Sur.

Sinampahan na rin, aniya, si Tabling ng kasong murder at frustrated murder.

Dinampot din ng awtoridad ang No. 5 TMWP ng Benguet na si Patricia Ambatcan Caput, 38, guro, tubong Pilongan, Baculongan Norte, Buguias, sa kasong Failure to Return a Minor.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Si Caput ay hindi pinayagang ma k a p a g p i y a n s a p a r a s a pansamantalang paglaya.

Inaresto naman ang No. 2 TMWP sa La Trinidad, Benguet na si Danny Akia Casilla, 27, ng Fianza, San Nicolas, Pangasinan. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (Violence against Women and their Children Act) sa Poblacion, Sablan, Benguet. Gayundin ang No. 3 TMWP na si Carol Ann Taynan Lasaten, 33, ng Western Buyagan, Poblacion, La Trinidad Benguet, na nahaharap sa kasong Estafa.

Nalambat din ang No. 4 TMWP sa Batac, Ilocos Norte na si Sherwin Jamony Sambot, 43, ng Toyong, Pico, La Trinidad, Benguet, na nahaharap sa kasong homicide.

-Rizaldy Comanda