MATAPOS ibunyag ang kanyang highly anticipated Asian tour sa social media, inihayag ng worldwide pop superstar at award-winning songwriter na si Charlie Puth na gaganapin ang Manila leg ng kanyang The Voicenotes Tour sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 6.

Charlie

Inihayag ng Live Nation at MMI Live, kapwa concert promoter, na ang ticket sa concert ay mabibili sa lahat ng SM tickets outlets sa Hulyo 17, Martes, bandang 10 ng umaga.

Huling nagpunta si Charlie sa bansa noong Agosto 2016 at pinahanga niya ang kanyang Pinoy fans nang awitin niya ang kanyang apat na multi-platinum hits, ang One Call Away, Marvin Gaye, at We Don’t Talk Anymore, mula sa kanyang platinum-selling, Top 10 debut album na Nine Track Mind, gayundin ang kanyang breakout smash na See You Again.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-Manila Bulletin Entertainment