Patay ang dalawang katao ha­bang sugatan ang tatlong iba pa sa karambola ng tatlong sasakyan sa Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Arnolfo Macaranas, 38; at John Er­ick Malacad, kapwa taga-Sta. Rosa City, sa Laguna.

Sugatan naman sina Tirzo Magistrado, Austine Perey, kapwa driver; at Silver Ligutan, pasahero ng cargo truck.

Sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, naganap ang insi­dente sa New Diversion Road, Ba­rangay Sta. Catalina, Atimonan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Sa imbestigasyon, patungong Bicol ang tatlong sasakyan nang maganap ang insidente.

Nawalan umano ng preno ang delivery van (RBF-232) at sumal­pok sa kotseng minamaneho ni Magistrado.

Isa pang closed van (ABD 3270), na minamaneho ni Perey, ang sinalpok ng truck hanggang sa bumangga ito sa isang punon­gkahoy.

Habang isinusulat ang bali­tang ito, patuloy na ginagamot sa Doña Martha Hospital ang mga sugatan.

-Danny J. Estacio at Fer Taboy