TOTOO na ito! Kumpirmadong nanganak si Ellen Adarna noong June 27, ayon mismo sa lawyer niyang si Atty. Rebo Saguisag na may hawak sa kaso ng dating sexy star laban sa 17-year-old student sa tinawag na “Paparazzi Case.”

ellen adarna

Sinabi ni Atty. Saguisag na bagong panganak si Ellen at hindi pa puwedeng bumiyahe at ibiyahe ang baby nito. Ibig sabihin, kumpirmadong sa Cebu nanganak si Ellen.

In-assure naman ni Atty. Saguisag na haharapin ni Ellen ang kasong isinampa sa kanya kapag kaya na ng aktres.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang hindi nabanggit ng abogado ni Ellen at hindi rin naitanong ay kung ano ang naging anak nina Ellen at ni John Lloyd Cruz—na una nang napabalita na baby boy.

Maaalalang ilang linggo ang nakakaraan ay nakita si John Lloyd at nakuhanan ng litrato habang nagsa-shopping ng baby stuff, gaya ng baby stroller.

-Nitz Miralles