Maaari nang magparehistro sa Manila Broadcasting Company ang mga nagnanais makiisa sa Manila Bay Clean-Up Run sa Hulyo 15, Linggo, bilang suporta sa programa ng Land Bank na malinis ang nasabing lawa.

Bukas sa mga nais magpatala ang mga sangay ng Olympic Village sa Robinsons Forum, Gateway Mall, Festival Mall at SM Taytay, gayundin ang Olympic Outlet sa Robinsons Antipolo.

Ang mga interesado ay maaaring mamili sa 3k, 5k, 10k at 21k races sa dibisyong panlalaki at pambabae. Habang ang mga magwawagi sa bawat kategorya ay mag-uuwi ng tropeo at cash prize. Lahat naman ng tatakbo ay makatatanggap ng dalawang ticket mula sa Star City.

Ang fun run ay isinabay din sa anibersaryo ng DZRH, ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang Mani l a Bay Cl e an-Up Run ay proyekto ng MBC, Star City, Cultural Center of the Philippines, at ng mga pamahalaang lungsod ng Maynila at Pasay. Para sa karagdagang kaalaman o mga katanungan, tumawag sa Runners link: 0926- 2052787.