Posibleng tatagal hanggang sa third quarter ng taon ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa pagpalo ng inflation rate sa 5.2 porsiyento nitong Hunyo, ang pinakamataas sa nakalipas na limang taon.

Sinabi ni Prof. JC Punongbayan, ng UP School of Economics, na 4.3 hanggang 4.5 porsiyento ang inaasahang inflation ng Department of Finance (DoF) at National Economic and Development Authority (NEDA) para sa taong 2018. Pero hindi na bago ang pagtaas ng inflation rate dahil simula 2016 ay nararanasan na talaga ito.

Gayunman, hindi aniya maikakaila na malaking factor ng pagtaas ng inflation rate nitong nakaraang buwan ang ipinatutupad na TRAIN law.

-Beth Camia
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador