Nagkumahog sa pagpapakarga ng petrolyo sa kani-kaniang sasakyan ang mga motorista bago pa man ang panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V at Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ang mga ito ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 40 sentimos sa gasolina, at 35 sentimos naman sa diesel.

Ito na ang ikatlong bugso ng oil price hike ngayong buwan.

-Bella Gamotea
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20