Maaari nang makuha ang plaka ng sasakyan na ipinarehistro noong Hulyo 2016, ayon sa ipinalabas na direktiba ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Office (LTO).

Ito ang inihayag ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade kasunod ng utos niya kay LTO Assistant Secretary Edgardo C. Galvante na simula kahapon ay maaari nang kunin ng mga automotive dealer at mga may-ari ng sasakyan ang nasabing mga plaka sa buong bansa.

Iniulat ng DOTr na ang pagawaan ng plaka ng LTO ay nakagawa na ng 231,332 pares ng motor vehicles plates para sa mga inirehistro noong Hulyo hanggang Disyembre 2016.

Gayunman, unti-unting ipalalabas ang mga plaka, at ihahayag ito sa mga susunod na buwan.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya, ang mga motorista na naiparehistro ang kanilang behikulo bago mag-Hulyo 1, 2016 (2013 hanggang Hunyo 2016) ay hindi muna matatanggap ang kanilang plaka dahil sa iba’t ibang kontrata mula sa mga supplier.

Nabatid na ang mga nasabing kontrata ay hindi pa pinayagan ng Commission on Audit (CoA), ayon kay Galvante.

-Jun Fabon