PINALAGAN ni John Lloyd Cruz ang online article ng isang respetadong broadsheet tungkol sa umano’y pagbibinyag sa anak niyang lalaki kay Ellen Adarna.

Ellen copy

Nakasaad sa article: “Ellen Adarna got her son baptized and the hospital security was extra tight.”

Sa kanyang Instagram post, pinabulaanan ni John Lloyd ang naisulat tungkol sa misteryo pa ring panganay nila ni Ellen. Wala raw nangyaring binyagan sa ospital, ayon pa sa aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Post pa ni John Lloyd: “F*ck fake news.”

Ayon sa article, a netizen was quoted saying that the baptism allegedly happened on June 29 in Ellen’s room at Chong Hua Hospital in Cebu. Lumabas ang artikulo kasunod ng napaulat na nagsilang na ng baby boy si Ellen sa nasabing ospital last June 27.

Kahit sa maraming pagkakataon ay nakuhanan ng photos at videos si Ellen with her baby bump, partikular iyong kuha sa Amanpulo, still the couple have not confirmed nor denied the news of the pregnancy and birth of the baby.

-Ador V. Saluta