Naghihimas ng rehas ang isang lalaki matapos umanong holdapin ang isang dalaga sa Makati City, kamakalawa ng tanghali.

Ang inaresto ay si Julius Gaut y Malate, Jr., 42, ng Martinez Street, Block 39 Lot 39, sa Mandaluyong City.

Si Gaut ay inireklamo ni Sherlyn Dacuro y Silva, 28, ng Rosario Village, Santa Lucia, Pasig City.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang panghoholdap sa EFSA southbound loading at unloading bay, sa Barangay Urdaneta sa nasabing lungsod, bandang 12:00 ng tanghali.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Sa reklamo ni Dacuro, naglalakad siya sa lugar at pagsapit ng Gil Puyat ay sumulpot si Gaut at tinutukan siya ng kutsilyo sabay deklara ng holdap at sapilitang kinuha ang kanyang cell phone.

Nakahingi ng tulong ang biktima sa isang konduktor ng bus, na nagtimbre sa mga nagpapatrulyang pulis at tanod sa lugar at nadakma ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery hold-up.

-Bella Gamotea