NAGULANTANG at halos hindi makapaniwala si dating NBA star at veteran Australian national team player Andrew Bogut sa naganap na rambulan ng Australia Boomers at Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup qualifier nitong Lunes sa Philippine Arena.

Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ng 33-anyos one-time NBA champion sa koponan ng Golden State Warriors, na isang sampal sa basketball ang naganap na bench-clearing brawl na resulta ng pagkapikon ng players.

“MAN WTF!!! Disgusting,” pahayag ni Bogut, kasunod ang isa pang mensahe na “DISGRACE. Absolute Disgrace.”

Ikinadismaya rin ni Bogut ang aksiyon ng Gilas Pilipinas na nagawang pang magpakuha ng ‘groupie’ ilang saglit matapos ang kaguluhan na nagresulta sa pagkakapatalsik ng siyam na players ng Gilast at apat na Boomers -- Chris Goulding, Daniel Kickert, Thon Maker, at Nathan Sobey.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Blokes taking a team selfie after all that. Down 31. Yep. They really just took a team selfie,” ayon kay Bogut.

Tangan ng Boomers ang 31- puntos na bentahe, 79-48, may 4:01 minuto ang nalalabi sa third period