NAGING very professional si Marian Rivera, kasama ang husband na si Dingdong Dantes nang naimbitang magbigay ng saya sa fans sa opening day ng Festive Walk Megaworld Iloilo nitong Sabado ng hapon. May sakit kasi si Marian pero hindi naman nakahalata ang fans at guests sa ginanap na Kapuso Fans Day para sa GMA Regional TV sa Iloilo City.

Dingdong at Marian

Pero bago ang Kapuso Fans Day, nagpunta muna ang Kapuso Primetime Couple sa Asilo de Molo, lugar kung saan naninirahan at inaalagaan ang mga economically challenged na matatanda, sa Iloilo City sa ilalim ng Sisters of the Daughters of Charity. Ang GMA Regional TV’s Kapuso Serbisyo ay isa sa mga naging aktibidad nina Dingdong at Marian habang nasa Iloilo City. Pagkatapos nilang magpasaya sa Asilo de Molo, ay tumuloy na sila sa Festive Walk Mall para sa Kapuso Fans Day bandang 7:00 ng gabi.

Siyempre pa, alagang-alaga ni Dingdong si Marian at maya’t maya raw ay tinatanong ni Dingdong ang asawa kung kaya mag-show. Kaya naman ni Marian, at patuloy na naghatid ng matatamis na ngiti sa fans, na nakasama nilang mag-perform sa stage.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Hindi binigo ng mag-asawa ang libu-libong fans na dumalo dahil very sweet sila sa isa’t isa at comment nga ng netizen sa Instagram, para silang bagong nagliligawan. Punung-puno ang venue at ayon sa GMA Regional Director na si Oli Amoroso, tinatayang mahigit 70,000 ang bilang ng mga taong dumalo sa nasabing opening.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng DongYan sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Iloilo at mga tagahangang mula sa mga kalapit-lugar.

Samantala, hindi maiiwasang magkasakit si Marian dahil sunud-sunod ang mga event niya, isa na rito ang launch ng tatlong bagong variants ng Hana Shampoo. After the show, nagpahinga na lang sila sa hotel at Lunes na bumalik sa Manila.

-Nora V. Calderon