Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang libu-libong customer ng Maynilad sa ilang barangay sa Pasay at Parañaque City sa Hulyo 4-5.

Sa abiso ng Maynilad, magsasagawa ito ng maintenance activities sa Pasay City bilang bahagi ng patuloy na hakbangin sa pagsasaayos ng serbisyo sa tubig sa West Zone.

Dahil dito, ang ilang residente sa Pasay at Parañaue City ay makararanas ng mahina hanggang sa pagkawala ng supply ng tubig simula 6:00 ng gabi ng Miyerkules hanggang 6:00 ng umaga ng Huwebes.

Kabilang sa mga apektado ay ang Barangays 77, 78, 79, 145 hanggang 182, 184 hanggang 198 sa Pasay City.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Gayundin, apektado sa water interruption ang Baclaran, Don Galo, Santo Nino, Tambo, at Vitalez sa Parañaque.

-Bella Gamotea