GALIT na galit ang ilang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia kay Valeen Montenegro dahil nilalandi raw ni Valeen si Ruru. Isa pa nga si Valeen sa sinisi ng Gabru fans sa pagkasira ng naturang love team.

Valeen

Sumingit ang ilang Gabru fans sa convo nina Ruru at Valeen sa Instagram (IG) ni Ruru nang mag-post ng video ang aktor habang kinakanta nila ng sister niyang si Rere ang theme song ng The Write Moment, movie nina Valeen at Jerald Napoles.

Sabi kasi ni Ruru, nakaka-LSS ang theme song ng movie, ang Kathang Isip, kaya ginawan nila ng cover ng kapatid niya. Nag-comment naman si Valeen ng “Love ittt Sama ako dyaan”, na sinagot naman ni Ruru ng “@valeentawak sige pwede”. Sumagot ulit si Valeen ng, “@rurumadrid Saturday!!!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil dito ay naamoy ng Gabru fans na magkikita sina Valeen at Ruru (lagi naman silang nagkikita every Saturday dahil sa rehearsal ng Sunday Pinasaya), at hayun, nagalit ang fans. Tinawag nila ng kung anu-ano si Valeen, feelingera raw ito, malandi at sinabihan pang ‘wag nang kumanta dahil wala siyang boses.

Sanay nang ma-bash si Valeen, kaya hindi na niya pinatulan ang fans at itinigil na rin ang convo kay Ruru.

Ibinalik sa The Cure ang tambalan nina Ruru at Kylie Padilla and as expected, naba-bash si Kylie (mild pa lang dahil this Monday pa lang sila mapapanood ni Ruru). May asawa at anak na raw si Kylie kaya hindi na dapat makipagpareha pa kay Ruru at dapat kay Gabbi lang tumambal si Ruru.

Pati si Direk Mark Reyes ay minura na rin ng Gabru fans at para makaiwas sa reklamo ng fans, in-off ng director ang comment box sa IG niya. Ang hindi maikakaila, mas marami ang natutuwa sa muling pagtatambal nina Kylie at Ruru sa The Cure bilang sina Adira at Xavier.

-Nitz Miralles