MALOKO rin pala ang Bagani star na si Liza Soberano dahil pinag-alala niya ang supporters niya nang i-post niya sa kanyang IG account ang kuha ng kambal na sanggol sa ultrasound kasama ang nakaiintrigang caption, at kung hindi ito binasang mabuti ay iisiping nagdadalantao ang dalaga.

Liza

Ang caption ng aktres sa nasabing kuha, “I certainly was not expecting this and wanted to tell everyone personally!! These two are due in March!! I can’t wait to see the happiness they bring. I’m not sure who the parents are, so copy and paste to freak everyone out.”

Well, hindi rin naman magda-dalawang isip ang makababasa na posibleng mabuntis ang dalaga dahil open naman si Liza na mahal niya ang leading man niya sa Bagani na si Enrique Gil at sa katunayan ay sweet sila maski na maraming nakakakita.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero mukhang malayo pa rin ito sa isip ni Liza dahil prioridad niya ang career dahil sabi nga ng manager niyang si Ogie Diaz, “Alam naman niyang marami siyang bills na kailangang bayaran.”

At higit sa lahat, nagsu-shoot siya ng Darna ‘no, hindi puwedeng malaki ang tummy niya.

-REGEE BONOAN