SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Dahil umano sa depresyon, nagbigti ang isang lalaki sa isang abandonadong bahay sa Purok I, Barangay San Bartolome, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng San Leonardo Police ang biktima na Fernando Maniquiz y Ginzales, 62, ng nasabing barangay.

Sa salaysay ni Myrna Asuncion y Maniquiz, 65, nakatatandang kapatid ni Fernando, ang biktima ay isa umanong adik sa alak hanggang sa makaranas ng depresiyon.

Patay na nang matagpuan ang biktima sa ganap na 9:40 ng umaga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog