Ni NITZ MIRALLES

NAKAKATUWA ang fans nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Hindi pa man kinukumpirma ng GMA-7 na pagsasamahin ang dalawa sa isang malaking teleserye ay may mga isina-suggest na silang concept ng story na babagay sa dalawang aktor.

Dingdong copy copy

Nakipag-meeting na sina Dingdong at Dennis sa hiwalay sa creative team na in-assign ng network na hahawak sa project.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

And for sure, nailatag na sa dalawang aktor ang concept at story ng gagawin nilang teleserye.

Ayaw kumpirmahin ng aming tinanong ang balitang magsasama sina Dingdong at Dennis sa teleserye. Napansin lang namin na sa respective meetings nila, iisang creative team ang kanilang ka-meeting. Ibig sabihin, tama ang tsikang magsasama nga sila sa isang teleserye.

Ang nadinig namin, sa August magsisimula ang taping ng teleserye. And by that time, ipaaalam na ang story, ang title, ang director at ang mga makakasama ng dalawa. Pati airing schedule ay malalaman na natin at kung anong teleserye ang papalitan nito.

Tama rin ang nabalitaan namin na sabay ang airing ng teleserye ni Alden Richards na Victor Magtanggol at ang teleserye nina Dingdong at Dennis.

Samantala, sa third Sunday ng Amazing Earth, na hosted ni Dingdong, tampok ang pinakamagagandang bundok ng Planet Earth, kabilang ang ilang nasa Pilipinas. Itatampok din ang Masungi Georeserve na nasa Baras, Rizal.